Ateneo Lady Eagles, naka-bawi sa game 2 ng UAAP Season 78 Women’s Volleyball Finals

Still alive!

Ganito mailalarawan ang game 2 sa best of three UAAP Season 78 women’s Volleyball Finals sa pagitan ng Ateneo Lady Eagles at De la Salle Lady Spikers kahapon.

Bukod sa hawak ng Lady Spikers ang game 1 lead, nagawang dominahin ng De la Salle ang unang dalawang set sa game 2.

Gayunpaman, hindi naman napanghinaan ng loob ang Lady Eagles sa naturang kalamangan ng Lady Spikers matapos nilang maitabla ang 2-set deficit at tuluyang talunin ang De la Salle sa ika-limang set ng laro.

Dahil sa naturang panalo, tabla na ngayon ang Lady Spikers at Lady Eagles sa kanilang best of three championship game.

Naging susi naman sa panalo ng lady eagles ang 3 times most valuable player na si alyssa valdez matapos makapagtala ng 34 points.

Sa sabado, malalaman na kung sino sa dalawang kopunan ang mag-uuwi ng tropeyo ng uaap season 78 women’s volleyball champion.

Speak Your Mind

*