Augmentation para sa pagbubukas ng Pistay Dayat 2016, inihahanda na

Inihahanda na ang karagdagang augmentation ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO mula sa hanay ng PNP, AFP, LGU’s Lingayen at Bugalon para sa pormal na pagbubukas ng Pistay Dayat 2016 sa April 22.

Ayon kay Avenix Arenas, training and information head ng, inaasahan na nila ang pagdagsa ng tao sa capitol beachfront dahil sa okasyon kaya kailangan nila ang otoridad na may kaalaman sa search rescue operation.

Kabilang rin naman aniya ang Philippine Coastguard at Philippine Navy sa magbabantay sa labing apat na coastal area sa Pangasinan.

Ito ay mula sa bayan ng San Fabian hanggang Infanta at lungsod ng Dagupan at Alaminos.

Nabatid na isasagawa sa capitol beachfront sa gabi ng April 22, ang I Love Pangasinan (ILP) Beach Concert/Party na pangungunahan ng ILP movement at San Miguel Brewery, Inc.

Speak Your Mind

*