Azkals, umakyat na sa ika-116 pwesto sa World FIFA ranking

Umakyat na sa ika-labinsiyam na pwesto ang ranking ng Philippine Azkals sa FIFA.

Ito’y matapos talunin ng Azkals ang North Korea sa iskor na 3-2 sa ikalawang round ng World Cup qualifying match.

Nasa ika-116 na pwesto naman sa world ranking ang Pilipinas katabla ang Kazakhstan.

Tuwang-tuwa naman ang Azkals team manager na si Dan Palami sa nakuhang pinakamataas ng rankings ng koponan.

Target daw nila na makapasok sa top 100 ng World FIFA rankings.

Speak Your Mind

*