Backyard farming na paggawa ng asin, isinusulong ng BFAR

Sinasamantala ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang matinding init ng panahon dala ng el niño na umanoy malaking pinsala sa mga fish grower.

Ngunit para kay BFAR- National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) Director Dr. Westly Rosario, ang mainit na panahon ay akma sa kanilang livelihood project para sa mga mangingisda.

Ito ay ang backyard farming sa pamamagitan ng paggawa ng asin lalo na sa mga residente na malapit sa dagat.

Sinabi pa ni Rosario na madali lang ang proseso sa paggawa ng asin, ilagay lang ang tubig dagat sa hinulmang salt plot saka ibibilad sa sikat ng araw ng hanggang lima o pitong araw.

Makakagawa naman ang isang salt plot ng hanggang 25 kilos ng asin na maituturing na walang lugi dahil ginagamit itong pampa-alat sa lahat ng uri pagkain.

 

Speak Your Mind

*