Bangusan Street Party na bahagi ng Bangus Festival 2016, kasado na

Kasado na ang gaganaping Bangusan Street Party na isasagawa sa Abril a-trenta bilang bahagi sa selebrasyon ng Bangus Festival sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Epee Rafaan, consultant ng Bangus Festival 2016 na ilalatag sa higit tatlong kilimotro ng de Venecia Highway Extension ang abot sa limang daan grills at may tig limang kilo ng bangus.

Sinabi pa ni Rafanan na naglaan din ang Bangus Festival committee ng gamit sa pag-ihaw tulad ng grills, charcoal, tongs, at iba pa.

Hinikayat naman Rafanan ang mga dagupenyo na magdala iba pang pagkain, drinks at sariling pinggan upang maging mas masaya ang pagsalo-salo.

Samantala, inaasahan naman ang libo-libong bisita ang dadalo sa Bangusan Street Party kung saan noong nakaraang taon ay nakapagtala ng higit sa pitongdaan katao ang nakisaya sa Bangus Festival.

Speak Your Mind

*