BBL, hindi sagot sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao

Hindi sagot para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao ang isinusulong na Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito ang nagkaisang pahayag nina Senador Bongbong Marcos at Alan Peter Cayetano sa ginanap na Vice Presidential debate kagabi sa University Of Sto. Tomas.

Ayon kina Marcos at Cayetano, unconstitutional ang mga nilalaman ng BBL at hindi kinonsulta ang iba’t-ibang sektor ng pamahalaan kaugnay sa nasabing usapin.

Giit naman ni Senador Chiz Escudero na hindi dapat magkaroon ng usapin kaugnay sa mga teroristang grupo.

Aniya, kahirapan ang ugat sa nangyayaring rebelyon at kaguluhan sa Mindanao.

Ayon kay Escudero, dapat pulbusin na ang mga bandidong Abu Sayyaf na siya umanong pinagmumulan ng kaguluhan sa rehiyon.

Giit naman ni Cayetano, political will ang kailangan para magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Binigyang-diin naman ni Senador Trillanes, na magandang opsyon para sa inaasam na kapayapaan sa rehiyon ang military option, kung saan iginiit din nito ang pagpapatuloy sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines.

Speak Your Mind

*