Best Feature Story Contest kaugnay sa pagnenegosyo, inilunsad ng DTI

Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang “Best Feature Story Contest” para sa lahat ng mga high school at college students sa lalawigan ng Pangasinan.

Layunin nito na mahikayat at maipakita ang kakayahan ng mga kabataan sa pagsulat ng mga inspiring success stories na may kaugnayan sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSME)

Sinabi ni Peter Mangabat, Provincial Director ng DTI-Pangasinan, na ang aktibidad ay bahagi sa programa ng ahensya na “Negosyo, Konsyumer, Atbp (NKAtbp) na layong itaas ang awareness ng publiko sa ibat-ibang tulong na maaaring makuha at maibigay ng sa DTI.

Samantala, ang tatanghaling kampyon sa nasabing patimplak ay tatanggap ng certificate of recognition, cash prizes na nagkakahalaga ng P5,000 para sa first prize, P3,000 para sa second placer, at P2,000 para sa third placer at ipagkakaloob sa Mayo a-bente sais.

Speak Your Mind

*