BFAR, nagpaalala hinggil sa namataang butanding sa Lingayen Gulf

Kinumpirma ni Dr. Westly Rosario, hepe ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) ang namataang butanding sa bahagi ng Lingayen Gulf kamakalawa.

Ayon kay Dr. Rosario, nagsimulang mamataang ang mga butanding sa Pangasinan noong 2001 at kalimitang nakikita ang mga ito sa huling linggo sa buwan ng Abril.

Ani Rosario, isa sa dahilan bakit mas maagang makita ang butanding ay dahil mas maraming itong nakakaing maliliit na isda, hipon at plankton sa bunganga ng mga ilog sa Lingayen Gulf.

Kasabay nito umapela naman si Rosario sa mga mangingisda at mga turista na huwag hulihin at lapitan dahil posibleng magbigay ito ng stress sa mga “Butanding”.

Speak Your Mind

*