Bidding para sa thermal papers na gagamitin bilang resibo sa eleksyon, binuksan na ng Comelec

Binuksan na ngayong araw ng Commission on Elections ang bidding para sa Thermal Papers na gagamitin bilang Voter’s Receipt sa eleksyon sa Mayo.

Ang Smartmatic Tim Corporation at Forms International Enterprises Corporation lamang ang bidder na nagsumite ng proposals.

Bigo namang makapagsumite ng proposal sa oras ng deadline ang Consolidated Paper Products Inc.

Nagkakahalaga ng 85.8 million pesos ang naturang kontrara para sa 1.1 million na rolyo ng Thermal Papers.

Speak Your Mind

*