Bilang ng mga turistang dumarating sa Hundred Island, doble na

Doble na ang dumarating na turista sa pamasong Hundred Island National Park sa lungsod ng Alaminos ngayong bakasyon.

Ayon kay Solomon Tablang, Tourism Officer ng Alaminos na aabot na sa apat na libong turista ang dumarayo ng isla tuwing weekend.

Sinabi pa ni Tablang na kahit dagsa na ang bilang ng mga foreign at local tourist ay hindi magtataas ng singil ang mga bangkero sa kanilang motor bangka.

Wala rin aniyang pagtaas sa renta ng mga hotels na tinutuluyan ng mga turista.

Dagdag pa ng tourism officer na upang makahikayat ng mga maraming turista, mas pinaganda na ngayon ang mga pasilidad sa Hundred Island at nagdagdag ng ibat-ibang water adventure.

Speak Your Mind

*