BIR Regional Office, nagpaalala sa huling araw ng ITR return filing

Muling nagpa-alala ang Bureau of Internal Revenue o BIR para sa deadline ng filing ng Income Tax Return (ITR) ngayong araw ng Biyerens Abril a-kinse.

Ayon kay Atty. Eduardo Pagulayan, OIC Regional Director ng BIR, hanggang mgayong araw nalang alas singko ng hapon maaaring mag-file ng ITR.

Payo ni Pagulayan, na pumunta ng maaga sa mga tanggapan ng BIR sa bayan ng Calasiao para hindi abutan ng cut-off at maiiwasan ang pagbabayad ng penalty, interest at surcharges.

Umaasa naman si Pagulayan, na maabot nila ang target na 13 bilyon pisong tax collection sa buong rehiyong uno para sa taong 2016.

Iginiit naman nito ang kahalagahan ng pagbabayad ng buwis dahil kung walang malilikom na buwis, ay walang maibibigay na magandang serbisyo ang gobyerno para sa sambayanang pilipino.

Speak Your Mind

*