BJMP Dagupan, walang naitatalang kaso ng heat stroke ngayong tag-init

Dahil sa mahigpit na monitoring wala pang naitatalang kaso ng heat stroke ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Dagupan City sa mga preso.

Itoy sa kabila ang over congested na pasilidad ng BJMP kayat masasabing mas mainit ang kanilang nararamdaman sa loob ng kulungan.

Sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP Forum kahapon, sinabi ni Dagupan City Jail Warden Atty. Kenneth Bid-ing na regular ang isinasagawa nilang monitoring sa kalusugan ng mga inmates lalot na sa mgasakit na kabilang sa summer diseases.

Kabilang na aniya rito ang paliligo araw-araw, pag-eehersisyo tuwing umaga at ang pagsunod sa proper hygiene.

Nabatid na umaabot na sa mahigit isang libong inmates ang nakapiit ngayon sa BJMP Dagupan.

Speak Your Mind

*