British Rock Band na Coldplay, kumpirmadong darating sa bansa

Kumpirmado nang bibisita sa bansa ngayong taon ang British Rock Band na Coldplay.

Pero sa ngayon, wala pang detalye sa kung kailan at saan gaganapin ang concert ng grupo pero ayon sa report inaasahan na ang pagdating nina Chris Martin, Guy Berryman, Jonny Buckland, at Will Champion sa Pilipinas sa huling bahagi ng taon.

Una nang pinag-usapan sa social media ang pagkakaroon ng concert ng grupo sa manila.

Ilan naman sa mga kantang pinasikat ng grupo ang ‘Viva la Vida’, ‘Yellow’, ‘Scientist’, ‘A Sky Full of Stars’, ‘Hymn for the Weekend’, at marami pang iba.

Sa ngayon, may pito ng albums ang grupo at ang pinakabago sa mga ito ang ‘A Head Full of Dreams’ kung saan kabilang ang single na ‘Adventure of a Lifetime’.

Speak Your Mind

*