Bungang araw, nangungunang sakit na dinadala sa PPH

Bungang araw ang nangungunang sakit ng mga pasyente dumarating sa Pangasinan Provincial Hospital (PPH) para magpa-konsulta araw-araw.

Sa panayam ng sonshineradio kay Dr. Policarpio Manuel, PPH Administrator sinabi nito na karamihan sa mga pasyenteng dinadala sa hospital ay mga bata na epekto ng nararanasang init ng panahon.

Ngunit wala naman aniya dapat ipag-alala sa sakit ng tinatawag ding prickly heat rashes dahil maaari itong maagapan at magamot kahit sa loob ng bahay.

Sinabi pa ni Dr. Manuel, na para maiwasan ang pagkakaroon ng bungang araw, huwag hayaang matuyuan ng pawis, hugasan ng malamig na tubig ang rashes, at para maiwan ang pangangati gumamit ng power para sa prickly heat rashes.

Pero pinaka-mabisa daw para maiwasan ang bungang araw ay ang pagkakaroon ng proper hygiene.

Speak Your Mind

*