CAST, aminadong marami paring colurum na tricycle sa Dagupan

Aminado ang pamunuan ng City Action Service Team (CAST) ng Dagupan na maraming mga colurum o walang prangkisa na tricycle na pumapasada sa lungsod.

Bunsod nito minamadali na ng CAST ang pagkakabit ng mayor permit sticker sa may dalawang libot limang daan ng lihetimong tricycle sa buong lungsod ng Dagupan.

Ayon kay CAST Chief Ret. Spo4 carlito ocampo, oras na matapos nila ang pagkakabit ng sticker ay paiigtingin na nila ang paghuli sa mga colurum na tricycle katuwang ang Public Order and Safety Office (POSO).

Sa ngayon, umaabot na sa dalawang libong tricycle ang nakabitan ng sticker kayat puspusan na ang pagkakabit sa natitira pang limang daan upang maiwasan na ang mga abusadong tricycle driver na posibleng manamantala ngayong ipinagdiriwang ang Bangsus Festival.

Speak Your Mind

*