Cayetano, hindi dapat isantabi ang kakayahang umangat sa mga survey

Hindi dapat isantabi ang kakayahang umangat sa mga survey ang Vice Presidential Tandem ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na si Sen. Alan Peter Cayetano.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ni Cayetano sa kabila ng pangunguna sa mga survey nina Sen. Bongbong Marcos at Sen. Chiz Escudero.

Ayon sa political analyst na si Mon Casiple, hindi dapat isantabi ang kakayahang umangat ni Cayetano na lumalabas na biggest gainer sa mga survey kasunod na rin ng positibong paghatak sa kanya pataas ni Duterte na number 1 sa ilang mga survey.

Ang malaking pakinabang, sa pagtaas sa survey ni Duterte ay ang pag-angat din ni Cayetano lalo na sa mga lugar kung saan malakas si Duterte pa­ngunahin na sa Mindanao at Visayas.

Base sa pre-election VP derby survey ng Manila Broadcasting Company (MBC) noong April 2, naungusan na ni Cayetano si Rep. Leni Robredo na nakakuha ng 17.8%. HABANG si Cayetano ay nakapagtala ng 18.4%.

Nanguna naman si Marcos na may 29.8% at sinundan ni Escudero na may 22.6%.

Speak Your Mind

*