CB Mall sa Urdaneta City, gagamiting Mall Voting Precinct – Comelec

May isang mall sa Region 1 na aprubado ng Comelec para sa isasagawang Mall Voting para sa national at local elections sa Mayo a-nuebe ngayong taon.

Ayon kay Region 1 Comelec Supervisor Atty. Julius Torres, ang aprubado lang ng Comelec para sa Mall Voting ay ang CB Mall sa Urdaneta City, Pangasinan.

Nilinaw ni Torres, na ang makakaboto lang sa nasabing mall sa lungsod ng Urdaneta ay ang mga botante o presintong malapit sa CB Mall.

Dagdag pa ni Torres, sa Mayo a-nuebe, alas sais ng umaga ay magsisimula na ang botohan hanggang alas singko ng hapon. Mas maaga umano ang umpisa ng botohan ngayon dahil binigyan nila ng panahon ang pag-i-isyu ng resibo sa mga botante.

Ngunit paliwanag ni Torres na ang resibo ay hindi maaaring iuwi ng botante. Pagkatapos na maipasok ng botante ang papel sa pcos machine ay saka lalabas ang resibo at ito ay kukunin ng botante at titingnan ito ng botante kung tama ba ang mga kandidatong kanyang ibinoto. Pagkatapos ay ipapasok na ng botante ang resibo sa ballot box saka pa lang ito pwedeng lumabas ng presinto.

Speak Your Mind

*