CBCP, umapela sa mga botante na bumoto ayon sa konsensiya

Umaapela ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa mga botante na bomoto ng ayon sa konsensiya at hindi base sa kasikatan at pangunguna sa survey ng mga kandidato.

Ayon kay CBCP President Socrates Villegas, dapat maging maingat ang mga botante sa kanilang desisyon, dahil ang bawat boto ay mahalaga para sa pagbabago sa sitwasyon ng bansa.

Nakiusap din ang CBCP sa mga botante na suriing mabuti ang mga kandidato para hindi masayang ang kanilang mga boto.

Nabatid na ang ikatlo at huling presidential debate ay gaganapin dito sa lalawigan ng Pangasinan na inaasahang dadaluhan ng mga presidential candidates.

Speak Your Mind

*