Clean up drive, ipapatupad sa baybayin ng Binmaley

Isinusulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC ang istrektong pagpapatupad ng clean up drive sa mga baybayin ng Binmaley, Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Binmaley MDRRMC Chief Antonio Royeca, sa panayam ng Sonshine Radio upang mapanatili ang kalinisan sa lugar at bilang paghahanda narin selebrasyon ng Pistay Dayat Festival.

Ayon pa kay Royeca, ang clean up drive ay tinawag nilang “Summer Vacation, Bantay Dagat” katuwang ang ilang volunteers group.

Hindi naman aniya binabawalan ang publiko na ibaon sa lupa ang mga naipong basura basta ito ay nabubulok at iwasan ang plastic na hindi nabubulok.

Speak Your Mind

*