Climate Change, malaki ang epekto sa mga pananim – OPAG

Malaki ang epekto ng nararanasang ngayong climate change sa mga pananim ng mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay Dalisay Moya, Office of the Provincial Agriculturist o OPAG Chief ay dahil napipigilan ng pabago-bagong lagay ng panahon ang pamumulaklak at nauuwi sa hindi pamumunga ng mga pananim.

Sinabi pa ni Moya na hindi mga pananim ang apektado ng el nino kundi maging ang mga livestock, at mga isda ay nakakaramdam ng stress dahil sa init ng panahon.

Patunay aniya rito ang production ng kanilang hatchery kung saan malaki ang ibinaba ang kanilang inaalagaang fingerling.

Speak Your Mind

*