Climate Change, sentro pag-uusap nina P-noy at ng leader ng Monaco

Nasentro sa climate change at pangangalaga sa kalikasan ang napag-usapan sa bilateral meeting nina Pangulong Noynoy Aquino at Prince Albert II ng Monaco pagbisita nito sa bansa.

Ayon kay Pangulong Aquino, si Prince Albert ay kilalang kampiyon sa Environmental Protection at Sustainable Development.

Binigyang diin ng pangulo, na kahit parehong maliit lamang na maituturing ang ating mga bansa ay aktibong advocate ang pilipinas at Monaco sa Climate Risk Mitigation.

Katunayan, kapwa nanguna sa negosasyon ng Paris agreement ang dalawang lider sa isinagawang Climate Change Summit sa Paris, France noong nakaraang taon.

Speak Your Mind

*