Comelec, iginiit na tapos ang isinagawang Biometric

Nanindigan ang Commission on Election o Comelec Pangasinan na tapos na ang isinagawang Biometric o No Bio No Boto Campaign na sinimulan noong Mayo 2014 at nagtapos noong October 31, 2015.

Ito’y matapos kumalat ang umanoy mga pekeng pagkuha ng biometrics na isinasagawa ng hindi kilalang grupo.

Ayon kay Election Supervisor Atty. Joel Ginez, nasa tanggapan na ng Comelec ang listahan ng mga botante na maaaring boto sa darating na eleksyon matapos silang dumaan sa biometrics.

Dagdag pa ni Ginez na isinagawa ng biometrics upang matiyak na hindi magkakaroon ng flying voters dahil madali nang makilala ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang photograph, fingerprint at signature.

Speak Your Mind

*