Comelec, magpapadala ng replacement machine para sa OAV

Magpapadala ang Commission on Elections ng mga replacement machine para sa isinasagawang Overseas Absentee Voting kapalit ng apat na vote counting machine na nag-malfunction sa magkakahiwalay na lugar.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Comelec Commissioner Arthur Lim na maliban sa mga replacement machine, magpapadala rin sila ng karagdagang mga reserbang VCM sa abroad kung saan isinasagawa ang botohan para sa mga OFW.

Tiniyak naman ni Lim na hindi naaapektuhan ang proseso ng botohan dahil agad naman umanong naagapan ang mga sumusulpot na problema.

Iniimbestigahan na rin aniya ang ilang mga reklamo kaugnay sa mga balota.

Speak Your Mind

*