Comelec, mas nagiging transparent na raw ayon sa isang Election Watchdog

Ikinatuwa ng Election Watchdog na LENTE ang desisyon ng Commission on Elections na huwag nang ituloy ang canvassing sa Manila Hotel.

Ayon kay LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos, indikasyon ito na nakikinig ang Comelec sa mga suhestiyon.

Dahil dito, mas nagiging transparent aniya ang Comelec.

Magandang development din umano ito dahil noon ay bihirang magbago ng posisyon ang Comelec.

Bukod sa pagkansela ng planong canvassing sa Manila Hotel, hindi na rin pina-bid ang mga BIB Vest na gagamitin sanang uniporme at receptacles na paglalagyan sana ng mga resibo.

Speak Your Mind

*