Comelec, nagbabala sa mga OFW hingil sa Flying Voter

Nagbabala ang Philippine Consulate General sa Dubai at Northern Emirates na aarestuhin at ipapa-deport pabalik ng Pilipinas ang sinumang overseas voter na boboto ng dalawang beses.

Ito ang babala ng konsulada matapos mahuli ang isang OFW na dalawang beses na nagtangkang bomoto.

Nakilala ang OFW sa alyas na J.S. na bomoto sa Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administration sa Dubai.

Subalit pagkalipas ng isang oras ay muli itong nagtungo sa isang presinto upang bumoto gamit ang katulad ding pangalan.

Nabatid na naharang siya ng special board of election inspector chairman matapos malaman na nasa listahan na ng mga nakaboto ang kaniyang pangalan.

Ayon kay Consul General Paul Raymund Cortes, isang criminal offense ang paglabag sa batas bilang flying voter.

Paliwanag ni Cortes, na sakaling gawin ito ng isang OFW ay pagmumultahin ito pagdating sa Pilipinas.

Speak Your Mind

*