Comelec, nagbabala sa publiko kaugnay sa ipapatupad na Liquor Ban

Nagbabala ang Commission on Elections o Comelec sa publiko na mahigpit na ipapatupad ang Liquor Ban sa bisperas at mismong araw ng halalan sa Mayo a-nuebe.

Nakapaloob umano sa Comelec resolusyon ang pagbabawal sa pagbebenta, pagbili, pagbibigay, at ang pag-inom ng alak bago at sa mismong araw ng eleksyon.

Ayon kay Comelec Officer Atty. Eric Oganiza ng San Carlos City, na botante o hindi botante ay sakop ng ipinapatupad ng Liquor Ban.

Maaari umano humarap sa election offense ang sinumang lalabag rito kabilang na ang parusang pagkabilanggo ng hindi bababa sa isang taon at hindi tataas sa anim na taon.

Samantala, maaari naman aniyang maghain ng aplikasyon sa Comelec ang mga establisimento na may mga foreign guest nang exemption sa nasabing batas.

Speak Your Mind

*