Comelec, nagpatupad ng Oplan Baklas sa San Carlos City

Nagsagawa na ng Oplan Baklas ang Commission on Election o Comelec sa mga campaign poster ng mga pasaway na kandidato sa Pangasinan.

Ayon kay Atty. Ericson Oganiza, Comelec Officer ng San Carlos City, marami sa mga pinaklas ng tarpaulin ay wala sa itinalagang common poster area tulad ng paglalagay sa mga poste ng kuryente, punong kahoy, at mga public building gaya ng waiting shed, barangay hall at paaralan.

Iginiit ni Oganiza na hindi lang election law ang nilabag ng mga pasaway na kandidato kundi ang DENR law kung ang mga campaign poster ay ikinabit sa mga puno at DPWH law kung ito ay nakalagay sa mga public structure.

Maging ang mga oversized campaign poster ay binaklas rin dahil labag ito sa itinalagang sukat na dapat 2 by 3 ang laki ng isang poster habang 12 by 16 ang laki kung ito ay tarpaulin ng buong partido.

Speak Your Mind

*