Akreditasyon ng mga mamamahayag para eleksyon, tinatanggap pa ng Comelec

Patuloy pa ring tumatanggap ang Commission on Elections (Comelec) ng aplikasyon para sa akreditasyon ng mga mamamahayag para sa gaganaping May 9 National at Local Elections.

Hinihiling ng Comelec sa mga gustong magpa-accredit na magsumite sa kanilang Provincial Office ng napirmahan nang application form, dalawang two by two colored na litrato, endorsement letter mula sa editor o station manager ng dyaryo, telebisyon, radyo o internet news agency.

Ang application form para sa accreditation ay makukuha sa Comelec Provincial Office at pwedeng idownload sa Comelec Website.

Nag-umpisa ang pagtanggap ng aplikasyon noon pang Pebrero a-kinse at matatapos sa Abril a-bente otso.

Speak Your Mind

*