Comelec, umaasa na mas mabilis ang transmission ng boto gamit ang VCM

Umaasa ang Commission on Election (Comelec) Pangasinan na mas magiging maayos at mabilis ang transmission ng boto gamit ang bagong Vote Counting Machine (VCM).

Una rito, dumating na sa lalawigan ng Pangasinan ang mahigit sa dalawang libong VCM na gagamitin sa darating na eleksyon sa Mayo a-nuebe.

Sinabi naman ni Atty. Joel Ginez, Election Supervisor ng Pangasinan na itinakda narin sa darating na Mayo a-sais ang final testing and sealing sa mga VCM upang matiyak na wala itong depekto.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng Comelec ang mga botante sa tamang pagboto gamit ang balota at VCM, dapat umano sundin tamang bilang ng kandidatong iboboto, huwag dumihan, gusutin, lagyan ng ekis o check ang balota.

Mahalaga aniya na manatiling maayos ang balota upang tanggapin ng VCM, at kapag binasa na ng VCM ang balota, hintayin ito upang makita ang voters receipt.

Speak Your Mind

*