Comelec, umapela sa mga supporter ng mga kandidato na iwasan ang heckling

Nakiusap sa mga taga-suporta ng mga kandidato si Comelec Chairman Andres Bautista na iwasan ang “Heckling” o pambabastos sa kalabang kandidato ng kanilang mga manok sa halalan.

Sinabi ni Bautista na magandang lugar ang mag debate para sa malayang talakayan at paliwanagan ng mga magagandang plano ng mga kandidato sa papalapit na araw ng eleksyon.

Reaksyon ito ng opisyal sa naging pambabastos kahapon kay Sen. Bongbong Marcos sa pagsisimula pa lamang ng Vice-Presidential Debate sa UST.

Ipinaliwanag din ni Baustista na sa simula pa lamang ay nakiusap na sila sa mga supporters ng mga kandidatong kasali sa debate na iwasan ang pambabastos pati na rin ang pagdadala ng mga election propaganda sa venue.

Speak Your Mind

*