Comelec, wala pang napipiling canvassing venue para sa Election 2016

Wala pang napipiling venue ang Commission on Elections para sa pagdarausan ng canvassing sa National Elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, pinag-aaralan pa rin ng komisyon ang mga mungkahi para sa lugar na pagdarausan ng canvassing.

Magugunita na sa mga nakalipas na halalan ay ginagawa ang canvassing sa Philippine International Convention Center.

Sinabi ni Jimenez na hindi lamang presyo ng venue ang kinokonsidera ng Comelec tulad ng alok ng manila hotel para sa tent area.

Ang Comelec ang National Board of canvassers para sa resulta ng eleksyon sa senatorial at partylist election.

Habang ang kongreso naman ang tumatayong canvassing officials para sa Presidential at Vice Presidential candidates.

Speak Your Mind

*