Contingency Plan, inilatag ng Meralco para matiyak ang suplay ng kuryente sa araw ng halalan

Naglatag na ng Contingency Plan ang Manila Electric Company o Meralco para tiyakin ang suplay ng kuryente sa araw ng halalan sa Mayo a-nuebe.

Ayon kay Meralco Senior Communications Associate Michael Garcia, isina-ayos na nila ang kanilang mga linya ng kuryente partikular na sa mga lugar na pagdarausan ng botohan o sa mga polling precincts at canvassing centers.

Bukod rito, magpapakalat rin aniya sila ng mga tauhan na may mga dalang generator set para maipahiram sakaling magkaroon ng problema sa linya ng kuryente.

Speak Your Mind

*