Contingency Plans ng BJMP para sa Oplan Halalan, pinahahanda na.

Nagpalabas na ng direktiba ang Bureau of Management and Penology (BJMP) – Region One sa lahat ng Jail Warden na i-update ang kanilang contingency plans para sa Oplan Halalan.

Sinabi ni Chief Inspector Condralyn Alfonso, Chief ng operations division ng BJMP –Region One na dalawang klase ang elections sa hanay ng mga preso, ito ay ang onsite at offsite voting.

Ipinaliwanag ni Alfonso na kapag onsite, ang bilang ng mga registered voters sa isang pasilidad ay higit 100 kaya ito ay isasagawa sa loob ng BJMP.

Sa offsite voting naman, ang inmate ay ihahatid sa presinto kung saan ito boboto.

Ayon kay Alfonso, aabot sa 1,806 ang bilang ng mga bobotong preso sa lahat ng pasilidad ng BJMP sa Rehiyon Uno.

Speak Your Mind

*