Crime statistics na inilabas ng PNP, walang koneksyon sa eleksyon!

Nilinaw ng Philippine National Police na walang kinalaman sa darating na eleksyon ang inilabas nilang crime statistics.

Sa nasabing datos ng PNP, nasa pang-apat ang Davao City sa mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mataas na insidente ng krimen sa nakalipas na limang taon.

Nasa unang puwesto naman ang lungsod ng Quezon, pangalawa ang lungsod ng Maynila na sinundan naman ng cebu city sa ikatlong puwesto.

Agad na dumipensa ang pamunuan ng pampansang pulisya sa pagsasabing walang halong pulitika ang ginawa nilang pagpapalabas ng nasabing statisitics.

Ayon kay PNP Chief Superintendent Wilben Mayor, nais lamang umano nilang ipakita ang tunay na sitwasyong panseguridad ng bawat lalawigan sa bansa.

Binigyang diin ni Mayor na ang nasabing report ay base sa mga report mula mismo sa ground at meron din umano silang ginagamit na standard formula sa pag-compute ng crime index sa buong bansa.

Speak Your Mind

*