Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, ipinatupad ngayong araw

Nagpatupad na ng dagdag-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Epektibo alas-dose uno kaninang hating gabi ay nagtaas ang kumpanyang Flying V ng piso at sampung sentimo sa gasolina, piso at limampung sentimo sa bio diesel at piso at sampung sentimo sa kerosene.

Habang ngayong alas-sais ng umaga, ay nagpatupad naman ang kumpanyang Shell at Sea Oil ng piso at sampung sentimo sa gasolina, piso at limampung sentimo sa diesel at piso at sampung sentimo sa kerosene.

Nagtaas din ang Phoenix Petroleum at Eastern Petroleum ng piso at sampung sentimo sa gasolina at piso at limampung sentimo sa diesel.

Speak Your Mind

*