Dahil sa epekto ng El Niño, maraming lugar sa bansa inilagay sa State of Calamity

Nasa pitong probinsya, limang lungsod at dalawampu’t apat na bayan ang inilagay sa State of Calamity dahil sa lumalalang epekto ng El Niño sa bansa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, aabot na sa labing sa P19 million ang halaga ng pinsala ng tagtuyot sa mga pananim sa Davao City pa lamang.

Nasa ekta-ektaryang mga taniman din ng mga high value crops tulad ng palay at mais ang apektado ng tagtuyot

Kabilang naman sa mga ilalim ng State of Calamity ang mga lalawigan ng Isabela, Quirino, Bukidnon, Davao del Sur, Cotabato, Maguindanao at Basilan.

Speak Your Mind

*