Dalawang barangay, itinuturing na hard to reach areas ng Comelec

Dalawang barangay nalang ang itinuturing na hard to reach areas ng Commission on Election o Comelec matapos ang isinagawang Provincial Joint Security and Control Center Conference kaugnay sa paghahanda sa darating na halalan.

Inihayag Pangasinan Election Supervisor Atty. Joel Ginez, na bago mapuntahan ang dalawang barangay sa bayan ng San Nicolas ay kinakailangan pang dumaan sa Nueva Viscaya.

Sinabi pa ni Ginez, na ang ibang mga lugar na kabilang sa unang pinangalanang bayan na nasa hard to reach areas ay madali lang marating sa pamamagitan ng pagsakay sa motor banca, dahil ang mga ito ay island barangay lang.

Hindi naman aniya bulubunduking lugar ang Pangasinan na mahirap marating.

Ayon pa kay Ginez, lahat ng mga election officer ay nagpahayag na isa hanggang dalawang oras ay mararating na ang pinaka-malayong barangay kayat tiyak umano ang siguridad sa pagdadala ng mga Vote Counting Machine o VCM sa mga polling precent sa lalawigan.

Speak Your Mind

*