Dalawang kaso ng pagkalunod, naitala ng MDRRMC Binmaley

Dalawang kaso na ng pagkalunod ang naitala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC Binlamey, Pangasinan ngayong summer vacation.

Sa panayam ng Sonshine Radio sinabi ni MDRRMC Chief Antonio Royeca, na ang naitalang kaso ay mula sa tatlumpu’t isang (31) nearly drowning incident.

Ayon pa kay Royeca, nakakaalarma ang naturang kaso lalot mayroong tinatawang na sabang o biglang lalim na bahagi ng dagat sa Binmaley ang mahigpit na binabantayan ng mga otoridad.

Dagdag naman ni Royeca na naglagay na ang Binmaley LGU’s ng floating ball at linya sa bahagi ng dagat upang hindi na ito puntahan ng mga beach goers.

Kasabay nito, itinaas na ng MDRRMC Binlamey ang 6pm no swimming policy at pagbabawal sa mga lasing na maligo sa dagat upang maiwasan ang insidente ng pagkalunod.

Speak Your Mind

*