Mayor Duterte, tuluyan nang pinatawad ng Santo Papa

Tinanggap na ni Pope Francis ang paghingi ng tawad ni davao city mayor rodrigo duterte.

Kaugnay ito sa ginawang pagmumura ni Duterte sa santo papa sa kasagsagan ng pagbisita nito sa bansa noong isang taon.

Mismong si Davao Archbishop Romulo Valles ang nagpakita ng liham para kay duterte na pirmado ni Bishop Angelo Beccie, isa sa mga kalihim ng Vatican.

Magugunitang umani ng batikos ang alkalde makaraang ikuwento ang kanyang naging pagmumura nang maipit sa matinding trapik noong Papal Visit.

Speak Your Mind

*