Decorp, magpapatupad ng dagdag singil sa kuryente ngayong buwan ng Abril

Nakatakdang magpatupad ng dagdag singil sa kuryente ang Dagupan Electric Corporation (Decorp) ngayong buwan ng Abril.

Ayon kay Atty. Randy Castilan, ang legal officer ng Decorp, tuwing summer season ay inaasahan na nila ang pagtaas ng generation rate dahil sa mataas na demand sa pangangailangan ng kuryente.

Kasabay nito, tiniyak naman ng Decorp na sapat ang supply ng kuryente sa kabila ng red alert status ng Luzon Grid dahil sa pagnipis sa supply ng kuryente.

Sa ngayon naitala na ang sapat na supply ng kuryente na inaasahan hanggang sa araw ng halalan.

Speak Your Mind

*