Deguito, iginiit na may alam si Tan sa 81 Million Dollar Money Laundering Scam

Muling humarap sa imbestigasyon ng senado si dating Rizal Commercial Banking Corporation Branch Manager Maia Deguito.

Sa kanyang opening statement, humingi ng paumanhin si Deguito sa kabiguang makadalo sa pagdinig ng Senado noong nakaraang Martes dahil na rin sa iniindang sakit.

Tahasang sinisi ni Deguito ang mga matataas na opisyal ng RCBC partikular ang Presidente nitong si Lorenzo Tan.

Nagkamali aniya siya nang paniwalaan at pagkatiwalaan si Tan.

Dagdag pa ni Deguito, hindi mangyayari ang 81 Million Dollar Money Laundering Scam  kung walang partisipasyon ng mga matataas na opisyal ng RCBC.

Speak Your Mind

*