DENR, aminadong marami paring nagsisiga sa kabundukan

Aminado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na marami paring mga pasaway nating kababayan na patuloy na nagsisiga sa kabundukan.

Ayon kay Cenro Officer Celso Salazar ang hakbang na ito ay delikado lalot nakakaranas tayo ng global warming at matinding init ng panahon kung saan madaling sumiklab ang sunod.

Bilang pagbabantay, tuloy-tuloy umano ang isinasagawang pagpa-patrolya sa kabundukan ng mga forest rainger kasama ang extension officer ng DENR at mga peoples organization.

Sinabi pa ni Salazar na ipinatupad din ng ahensya ang pagkuha sa pangalan at personal na impormasyon sa mga taong umaakyat sa bundok, at sinabi sa kanilang na kapag nagroon ng sunog sa kabundukan ay sila ang prime suspect.

Speak Your Mind

*