Deped, naglabas na ng manual para sa tamang paggamit ng mga kabataan ng social media

Naglabas ng manual ang Department of Education (Deped) katuwang ang pribadong sektor para sa tamang paggamit ng mga kabataan ng social media.

Layon ng tinaguriang Cybersafe Project Manuals na gabayan ang mga estudyante, maging ang mga guro at magulang, hinggil sa mga peligrong dulot ng internet sa mga bata kabilang ang cyber bullying, sexting, at child pornography.

Laman ng manual ang lesson plan hinggil sa cybercrime.

Gagamitin ito ng mga guro sa pagtuturo sa Grade 5, 6 at Junior High School.

Maaaring ma-download ng publiko ang manual sa website ng Deped.

Ayon pa sa Deped, patuloy na ia-update ang manual lalo’t nagbabago ang istilo ng pang-aabuso gamit ang internet.

Speak Your Mind

*