Deployment ng YMC sa mga Polling Precincts sa bansa, todo bantay

Puspusan na ang paghahanda ng Comelec, PNP at AFP sa magiging deployment sa iba’t-ibang polling precincts sa buong bansa para sa araw ng eleksyon sa mayo a-nuebe.

Kabilang sa binubuong joint security plan ang deployment ng mga pulis at sundalo sa nalalapit na araw ng halalan para bigyang seguridad ang movement ng voters counting machine.

Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, pinaplantsa din umano nila kung ano-ano ang dapat i-secure at bigyan ng seguridad at kung sino sa PNP at AFP ang itatalaga.

Binigyang diin din ni Marquez na importante din na matukoy ang mga pangalan at contact numbers ng mga pulis at sundalo na nakadestino sa mga poll centers para sa mabilis na komunikasyon sakaling magkaroon ng emergency situation.

Kaugnay nito, tiniyak ni Marquez na target nilang matapos ang mga listahan ng deployment, dalawang linggo bago magkaroon ng movement ang mga voters counting machines para sa final testing and sealing ng mga ito.

Speak Your Mind

*