Desisyon ng sandiganbayan na makapagpiyansa si Napoles, hindi pa pinal

Nanindigan si Atty. Levito Baligod, abogado ng mga Whistleblowers ng Pork Barrel Scam, na hindi pa tapos ang laban sa kaso.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay Baligod, binigyang diin nitong kahit pa pinayagan ng dalawang dibisyon ng sandiganbayan na makapagpiyansa ang tinaguriang Pork Barrel Scam Queen na si Janet Lim Napoles at dalawang kapwa akusado nito, hindi pa rin lusot si Napoles sa kasong Plunder.

Dagdag pa ni Baligod, maaari pa rin namang i-apela ang naturang desisyong pumapayag na makapagpiyansa sina Masbate Governor Rizalina Lanete at dating APEC Congressman Edgar Valdez sa kasong Plunder na isang non-bailable offense.

Speak Your Mind

*