DILG-Dagupan, umaapela sa mga botante na manalangin sa pagpili ng kandidatong iboboto

Apela ngayon ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG)-Dagupan sa mga kandidato na sumunod sa ipinatutupad na batas ng Commission on Election o Comelec.

Patikular na tinukoy ni Dagupan City DILG Officer Derrick Dawis ang mga kandidato sa lungsod lalo na sa pangangampanya ng mga ito sa mga barangay.

Kasabay nito, pinaalalahan din ni Dawis ang mga botante na mahaba pa ang panahon para isiping mabuti ang pipiliing kandidato na iboboto.

Apela din nito sa mga Dagupenyo na patuloy na manalangin para sa pagkakaroon ng mapayapa at maayos na halalan sa darating na Mayo a-nuebe ngayong taon.

Speak Your Mind

*