DOH, inilunsad ang search for 1st Bayani ng Kalusugan

Magbibigay ng parangal ang Department of Health (DOH) sa mga indibidwal at organisasyon na nag-alay ng oras para makamit ang adhikain kaugnay ng Kalusugan Pangkalahatan (KP).

Sa komunikasyon na ipinadala ng Department of Health (DOH) Region one ang kanilang ahensya ay naglunsad ng Search para sa kauna-unahang Bayaning Kalusugan.

Ang KP ay ang pagbibigay pagbabago sa pang-kalusugan na ang DOH ay bumubuo ng mga programa na naglalayong magbigay ng pantay at kalidad na serbisyo sa mamamayan.

Ang patimpalak ay bukas para sa lahat ng indibidwal, institusyon at organisasyon na nagkaroon ng natatanging nagawa sa usaping pangkalusugan at pati na rin sa pagtataguyod ng kalusugan pangkalahatan.

Kinakailangan na ang indibidwal na nominado ay isang filipino citizen at nakaranas ng pangunguna at pagbibigay serbisyo sa health sector ng kahit isang taon bago ang kanyang nominasyon.

Ang mga nominado ay hindi dapat konbiktado sa civil o criminal na kaso, kinakailangan rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC), tatlong taon na kinikilala ng lokal na pamahalaan bilang grupo o organisasyon na may kaugnayan sa health financing, service delivery, health information and research, governance, at health technology.

Speak Your Mind

*