DOLE, nagbabala sa mga employer kaugnay sa mga mangagawa na apektado ng el nino

Nagpalabas ng kautusan ang Department of Labor and Employment o DOLE para sa mga responsibilidad ng employer sa kanilang manggagawa ngayong mainit ang panahon.

Ayon kay Engracio Bailon, hepe ng DOLE-Central Pangasinan, mandatory ang inilabas na labor advisory number 03-2016 kayat dapat itong sudin ng lahat ng mga employer.

Direktang tinutukoy ng DOLE ang mga manggagawa na apektado ng mainit na panahon gaya ng mga konstruksyon workers at mga person in uniform.

Dahil dito, iginiit ni bailon na dapat tiyakin ng mga employer ang kaligtasan ng kanilang empleyado sa pamamagitan ng pagbigay ng Personal Protective Equipment o PPE, paglalaan ng sapat na inuming tubig at masisilungan.

Speak Your Mind

*