Donasyong thermal papers ng Smartmatic, labag sa Anti-Graft Law

Ipinaliwanag ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang dahilan kung bakit tutol siyang tanggapin ang donasyong thermal papers ng Smartmatic.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Guanzon na posibleng maningil ang Smartmatic pagkatapos ng eleksyon.

Ani Guanzon, dapat ay agad nang nag-donate ang Smartmatic matapos ilabas ng korte suprema ang desisyon na dapat ay mag-isyu ng resibo ang Comelec.

At ngayong tinanggap na ng Comelec ang donasyon ng Smartmatic, kanselado na umano ang bidding para sa thermal papers.

Gayunman, nirerespeto ni Guanzon ang desisyon ng mga kapwa commissioner dahil nais lang aniya ng mga ito na mapabilis ang pagbili ng nasabing mga papel na gagamiting resibo.

Speak Your Mind

*