Drought related pest ngayong tag-init, ibinababala ng DA

Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) sa mga drought related pest na umaatake sa mga panamin ngayong nakataas ng alerto ng El Niño.

Ito ay inihayag ni Marivic Begonia, Supervising Science Research Specialist ng (DA) Regional Field office one sa panayam ng Sonshine Radio.

Ayon kay Begonia, kapag sinabing drought related pest, ito ay mga peste na umaatake sa mga panamim sa panahon ng tag-init kabilang na rito ang mga daga, mga insekto na tinatawag na armyworm o harabas, locus o tinatawag ng grasshopper at mas kilalang talakitik.

Payo naman ni Begonia sa mga magsasaka na kung may makikitang hindi kilala uri ng peste ay agad na isangguni sa mga Municipal Agriculture Office na malapit sa kanilang upang agad itong magawan ng aksyon.

Binigyang diin naman ni Begonia ang kahalagahan ng regular na field monitoring dahil ang mas maagang pagkaka-diskobre ng mga peste sa sakahan ay maiiwasan ang mas malalang pinsala sa mga sakahan.

Speak Your Mind

*